Thursday, June 2, 2011

LOVETEAM

 Natural na sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga artista. Mapa-bata man o matanda ay may kanya-kanyang iniidolong artista. May iba na talagang pinupuntahan ang mga lugar na kung saan makikita nila ang kanilang mga iniidolo. Ang iba naman ay sumasali sa mga fan's club na kung saan nagkakaroon sila ng bonding sa ibang taong umiidolo din at syemre sa kanilang mga iniidolo. Wala namang masama doon. Sadyang ganoon lamang humanga at umidoloa ng mga Pilipino, may malasakit at itinuturing na nilang isang pamilya at parte na ng kanilang buhay.

Rico Yan and Claudine Barretto. Rico Yan and Judy Ann Santos. Mark Anthony Fernandez and Claudine Barrettoo. Wowie De Guzman and Judy Ann Santos. Marvin Agustin and Jolina Magdangal. Sino ba ang hindi makakalimot sa mga sikat na loveteam na ito noong 1990's. Ilan lamang sila sa mga loveteams na talagang pumatok at tinangkilik ng sambayanang Pilipino. Halos lahat ng kanilang pelikula ay talagang pumatok at kumita ng husto sa takilya. Maging ang kanilang mga television showa ay talagang umaarangkada sa tv ratings. Hindi naman nakakagulat na talagang sumikat sila dahil 'ika nga may chemistry sila. Hindi nila kailangan gumimik para lamang tangkilikin sila. Natural ang kanilang mga kilos at ang kanilang pag-arte.

Pero sa mga loveteams na nabanggit na iyon, ang tamabalang RICO YAN AT CLAUDINE BARRETTO ang nagustuhan ko. Natutuwa ako sa kanilang dalawa dahil talagang bagay sila. Masasabi kong "perfect" ang kanilang loveteam. Magaling umarte at syempre isa din sila sa mga maituturing na versatile actor and actress dahil kahit saan mo sila ilagay drama or comedy talagang magagaling. Natural ang pagiging sweet nila sa isa't-isa. At hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging real sweetheart sila sa tunay na buhay. Masasabi kong isang malaking tagumpay ang tambalang "Rico at Claudine". Dahil hindi lamang sila naging kilala dito sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang panig ng mundo ay tinatangkilik at iniidolo sila.

Ilan sa mga naging soap opera ng ABS-CBN na kung saan sila ang naging bida ay ang "Mula Sa Puso" at  "Saan Ka Man Naroroon". Nagtambal din sila sa youth-oriented show ng ABS-CBN na "Flames". At ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nila ay "Radio Romance", "Home Along Da Riles: The Movie", "Flames: The Movie", "Madrasta", "Dahil Mahal na Mahal Kita", "Mula Sa Puso: The Movie" at ang kanilang huling pelikula ay "Got to Believe in Magic". Lahat ng ng mga ito ay napanood ko na at talagang sinubaybayan ko noon at hanggang ngayon ka[ag may replay sa Cinema One. Hindi ako nagsasawang panoorin ang kanilang mga pleikula. Sa laht ng kanilang mga pelikula, ang pinakanagustuhan ko ay yung "Dahil Mahal na Mahal Kita" at "Got to Believe in Magic". Kaya tuwing nakikita kong ipapalabas o palabas na sa Cinema one ang kanilang pelikula, talgang inaabangan at pinapanood ko iyon.



Sayang at hindi sila ang nagkatuluyan sa totoong buhay dahil na rin sa di inaasang pagkamatay ni Rico Yan. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng kanilang tambalan. Imosible nang muling makagawa sila ng panibagong soap opera at pelikula. Pero kahit ganoon ang nangyari, ang tamabalang "RICO YAN AND CLAUDINE BARRETTO" pa rin ang pinaka-iniidolo kong loveteam sa Pilipinas. Walang makakapantay at makakabago doon. Rico Yan and Claudine Barretto Forever.





Photos were grabbed from:
www.google.com and www.video48.blogspot.com

No comments:

Post a Comment