Monday, June 13, 2011

TITANIC

Sino ang hindi nakakaalala o nakakaalam ng pelikulang ito? At sino ang hindi nakakakilala sa mga pangalang Jack at Rose? Parang ang hirap atang paniwalaan kapag sinabi ng iba na hindi nila alam ang pelikulang. Hindi man nnapanood ng ilan ito, pero tiyak may mga nadidinig sila tungkol dito. Bata man o matanda, anuman ang pisikal na kaanyuan, anuman ang estado ng buhay ay tiyak nagustuhan ang pelikulang ito. Ang iba pa nga siguro ay kinikilig sa bawat eksenang magkasama sina Jack at Rose at ang iba pa ay sumabay ang tulo ng luha sa paglubog ng kinikilalang pinakamalaking barko sa mundo, ang Titanic.

Sa pelikulang ito ipinakita kung gaano kalaki at kaganda ang barkong Titanic. At kung paano nangyari ang isang trahedyang di inaasahan ng lahat, ang paglubog nito. Umiikot ang istorya ng pelikulang ito sa isang lalaki at babae na magkaiba ang estado ng buhay. Nagkita at nagkakilala sa barkong ito at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Hanggang dumating ang isang gabing lumubog ang barkong ito. Dito napatunayan nila Jack at Rose kung gaano kahalaga at kamahal ang isa't-isa. Hindi nila iniwan ang bawat isa hanggang sa huli. Ang kanilang pag-iibigan ay masasabing tunay at wagas.


Bata pa lang ako nung una kong napanood ang palikualng ito. Kahit ganoon pa lamang ang edad ko ay nagustuhan ko ang takbo ng istorya. Pero nung mga panahon na yun ang atensyon ko ay kung paano lumubog yung barko. Ngunit dahil medyo musmos pa, hindi ko gaanong naintindihan ang istorya. Syempre ngayong nasa hustong gulang na ako,dun ko mas naintindihan ang istorya ng pelikulang ito. Dito ko din nakita na ang pagmamahalan ng isang tao ay wala sa estado ng buhay ng bawat isa. At kahit anong mangyari, ang pagmamahal at tiwala sa bawat isa ay hindi mawala.


Halos mahigit isang dekada ng naipalabas ang pelikula ito, ngunit hindi pa rin nakakasawang panoorin. Kahit paulit-ulit na itong naipapalabas sa tv ay tiyak inaabangan pa rin ng mga manonood. Di naman kasi kataka-taka iyon, dahil napakaganda nng istorya at ang pagkakagawa ng pelikula ay napakaganda. At maraming nakaka-relate sa istorya ng pag-iibigan nila Jack at Rose. Bata man o matanda ay talagang kinikilig sa kanilang dalawa. Sa madaling salita, sakto ang timpla ng pelikulang ito.

Thursday, June 2, 2011

LOVETEAM

 Natural na sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga artista. Mapa-bata man o matanda ay may kanya-kanyang iniidolong artista. May iba na talagang pinupuntahan ang mga lugar na kung saan makikita nila ang kanilang mga iniidolo. Ang iba naman ay sumasali sa mga fan's club na kung saan nagkakaroon sila ng bonding sa ibang taong umiidolo din at syemre sa kanilang mga iniidolo. Wala namang masama doon. Sadyang ganoon lamang humanga at umidoloa ng mga Pilipino, may malasakit at itinuturing na nilang isang pamilya at parte na ng kanilang buhay.

Rico Yan and Claudine Barretto. Rico Yan and Judy Ann Santos. Mark Anthony Fernandez and Claudine Barrettoo. Wowie De Guzman and Judy Ann Santos. Marvin Agustin and Jolina Magdangal. Sino ba ang hindi makakalimot sa mga sikat na loveteam na ito noong 1990's. Ilan lamang sila sa mga loveteams na talagang pumatok at tinangkilik ng sambayanang Pilipino. Halos lahat ng kanilang pelikula ay talagang pumatok at kumita ng husto sa takilya. Maging ang kanilang mga television showa ay talagang umaarangkada sa tv ratings. Hindi naman nakakagulat na talagang sumikat sila dahil 'ika nga may chemistry sila. Hindi nila kailangan gumimik para lamang tangkilikin sila. Natural ang kanilang mga kilos at ang kanilang pag-arte.

Pero sa mga loveteams na nabanggit na iyon, ang tamabalang RICO YAN AT CLAUDINE BARRETTO ang nagustuhan ko. Natutuwa ako sa kanilang dalawa dahil talagang bagay sila. Masasabi kong "perfect" ang kanilang loveteam. Magaling umarte at syempre isa din sila sa mga maituturing na versatile actor and actress dahil kahit saan mo sila ilagay drama or comedy talagang magagaling. Natural ang pagiging sweet nila sa isa't-isa. At hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging real sweetheart sila sa tunay na buhay. Masasabi kong isang malaking tagumpay ang tambalang "Rico at Claudine". Dahil hindi lamang sila naging kilala dito sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang panig ng mundo ay tinatangkilik at iniidolo sila.

Ilan sa mga naging soap opera ng ABS-CBN na kung saan sila ang naging bida ay ang "Mula Sa Puso" at  "Saan Ka Man Naroroon". Nagtambal din sila sa youth-oriented show ng ABS-CBN na "Flames". At ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nila ay "Radio Romance", "Home Along Da Riles: The Movie", "Flames: The Movie", "Madrasta", "Dahil Mahal na Mahal Kita", "Mula Sa Puso: The Movie" at ang kanilang huling pelikula ay "Got to Believe in Magic". Lahat ng ng mga ito ay napanood ko na at talagang sinubaybayan ko noon at hanggang ngayon ka[ag may replay sa Cinema One. Hindi ako nagsasawang panoorin ang kanilang mga pleikula. Sa laht ng kanilang mga pelikula, ang pinakanagustuhan ko ay yung "Dahil Mahal na Mahal Kita" at "Got to Believe in Magic". Kaya tuwing nakikita kong ipapalabas o palabas na sa Cinema one ang kanilang pelikula, talgang inaabangan at pinapanood ko iyon.



Sayang at hindi sila ang nagkatuluyan sa totoong buhay dahil na rin sa di inaasang pagkamatay ni Rico Yan. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng kanilang tambalan. Imosible nang muling makagawa sila ng panibagong soap opera at pelikula. Pero kahit ganoon ang nangyari, ang tamabalang "RICO YAN AND CLAUDINE BARRETTO" pa rin ang pinaka-iniidolo kong loveteam sa Pilipinas. Walang makakapantay at makakabago doon. Rico Yan and Claudine Barretto Forever.





Photos were grabbed from:
www.google.com and www.video48.blogspot.com